Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral

- Viral ang video ni Julia Barretto kung saan kumakanta ng mga awiting "You're Still The One" at Dancing Queen"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Umabot sa mahigit 1.5 million views ang video ng kanyang pagkanta na binahagi ng isang fan sa TikTok

- Hindi napigilang magkomento lalo na ng kanyang mga tagahanga na di napigilang purihin ang aktres

- Hindi naman ito nakakapagtaka ayon sa ilan sa kanyang fans dahil nagmula siya sa lahi ng mga barretto na kilala mga talentado

Todo-bigay si Julia Barretto sa kanyang pagkanta sa isang video na naibahagi ng isang fan sa TikTok. Agad itong nag-viral at umabot sa mahigit 1.5 million views matapos lamang ang ilang araw mula nang ito ay i-upload.

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral
Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral (@juliabarretto)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang aniya'y "best anniversary date ever"

Makikita sa naturang video ang kanyang pagkanta ng mga awiting "You're Still The One" at Dancing Queen."

Hindi napigilang magkomento lalo na ng kanyang mga tagahanga na di napigilang purihin ang aktres:

OMG, my favorite Julia! Kahit anong issue i'll stand with here always.
Super gorgeuos talaga ni Julia.Idol ko to eh.
Fav niya yata ang dancing queen. The song is so lively naman talaga!

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Read also

Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel