Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime

Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime

- Pinakita ni Vice Ganda ang bagong studio ng It's Showtime na kanila nang gagamitin ngayong Lunes

- Pinasalamatan niya ang ASAP Na'tin to dahil nitong mga nakaraang araw ay doon sila nagtatanghal sa studio nila

- Pinakita ni Vice ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang bagong studio na mas pinalawak at pinaganda

- Limang taon din umano nilang ginamit ang It's Showtime Studio bago nila muling napa-renovate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Vice Ganda ang bagong studio ng It's Showtime na ngayong Lunes ay masisislayan na ng maadlang pipol. Pinakita ni Vice ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang bagong studio na mas pinalawak at pinaganda.

Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime
Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Inamin ni Vice na hindi kaagad napaayos ang kanilang studio dahil walang masyadong budget. Kaya naman pinasalamatan niya ang lahat ng viewers na sumuporta at tumatangkilik pa rin sa It's Showtime na naging dahilan kung bakit napaayos nilang muli ang studio matapos ang 5 taon.

Read also

Vice Ganda, pabirong sinisi ang mga kasamahan sa pag-overtime ng It's Showtime

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Matatandaang nabanggit ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali. Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila. Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel