Vice Ganda, pabirong sinisi ang mga kasamahan sa pag-overtime ng It's Showtime

Vice Ganda, pabirong sinisi ang mga kasamahan sa pag-overtime ng It's Showtime

- Pabirong sinisi ni Vice Ganda ang kanyang kasamahan sa "It's Showtime" sa umano'y pag-oovertime ng kanilang show

- Aniya, siya umano ang dahilan para mapigilan ang pag-oovertime ng show nila dahil sa kanyang mga kasamahan

- Hirit pa niya, nakakahiya umano sa susunod na programa kapag nag-oovertime

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pag-overtime ng kanilang show matapos ang pagbanggit ni Bayani Agbayani tungkol sa kanilang show na hindi umano nag-oovertime

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbiro si Vice Ganda tungkol sa pag-oovertime ng kanilang show na It's Showtime. Sa kanyang bagong vlog, pabiro niyang sinisi ang mga kasamahan na aniya ay dahilan ng pag-oovertime ng kanilang show.

Vice Ganda, pabirong sinisi ang mga kasamahan sa pag-overtime ng It's Showtime
Vice Ganda, pabirong sinisi ang mga kasamahan sa pag-overtime ng It's Showtime (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, walang kadesi-desiplina ang kanyang kasamahan at very unprofessional umano ang pag-oovertime.

Agad naman siyang tumawa matapos ang kanyang litanya. Nakalagay sa bahaging iyon ng video na siya nga ang pasimuno kaya nag-oovertime.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Matatandaang nabanggit ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali. Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila. Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel