Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil

Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil

- Kasama nina Angel Locsin at Neil Arce ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain

- Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid

- Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa

- Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi lang sina Angel Locsin at Neil Arce ang nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Madrid. Kasama din ng mag-asawa ang ina ni Neil na siya pang kumukuha ng mga videos at pictures ng mag-asawa.

Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil
Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil (@neil_arce)
Source: Instagram

Bukod sa kanilang pagkain sa iba't-ibang mga kainan, nag-shopping din sila. Pinamili ni Angel ang asawa ng mga damit at aniya hindi niya balak mamili.

Gayunpaman, bilang K-Pop fan, parehos sila ng kanyang biyenan na bumili ng damit na parehas na parehas sa suot ng kanilang KPop idol.

Read also

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry. Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komentonito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel