Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS

Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS

- Nabanggit ni Cristy Fermin na sina Noli De Castro at Korina Sanchez ang ilang kilalang pangalan na nakikipag-usap na sa AMBS

- Ito ay matapos na kumpirmahin ang umano'y palabas ni Willie Revillame sa nasabing network na pagmamay-ari ni Manny Villar

- Ayon kay Cristy, bukod kina Korina at Noli, marami pa umanong mga bigating pangalan ang posibleng mapanood sa bagong network

- Samantala, sa isang social media post ni Korina, minsan na niyang pinabulaanan ang nababalitang paglipat niya umano sa AMBS

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na! ay ang mga personalidad na posibleng mapanood sa AMBS network.

Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilan sa mga nabanggit ni Cristy ay sina Korina Sanchez at Noli De Castro na pawang mga kilalang host at news anchor ng ABS-CBN.

Read also

Willie Revillame, hindi sasabay sa mga noontime shows ayon kay Cristy Fermin

Ayon kay Cristy, matunog umano ang pangalan ng dalawa na nakikipag-usap na umano sa AMBS.

"Ang balita ko, nakikipag-usap na sa AMBS sina Korina Sanchez at Kabayang Noli De Castro..." pahayag ng batikang showbiz talk show host at columnist.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, marami pa umanong mga bigating personalidad ang hindi na muna pinangalanan ni Willie Revillame hangga't hindi pa pumipirma ng kontrata ang mga ito sa kanila.

"At marami pang artista. Ayaw lang sabihin ni Willie kung sino-sino e... Hangga't hindi pa raw nakapipirma ng kontrata," dagdag pa niya.

Dahil dito, talagang kaabang-abang kung sino na nga ba ang mga personalidad na tuluyang mapapanood sa mga programang ipalalabas sa AMBS.

At dahil isa na raw dito si Toni Gonzaga, malaki rin umano ang posibilidad na pati si Alex ay mapapanood na rin sa AMBS ayon sa tatlong host ng SNN.

Read also

Anne Curtis, nabulol; sinabihan si Vice Ganda ng pumangit sa halip ng pumagitna

Samantala, nito lang Hunyo, una nang naitanggi ni Korina ang bali-balitang siya umano ay magiging bahagi ng AMBS.

"I am very happy being in TV5 and A2Z as a line producer via Brightlight," ang bahagi pa ng kanyang post.

Narito ang kabuuan ng chikahan nina Morly, Romel at Cristy sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa Showbiz Now Na! din napag-usapan nina Cristy, Romel at Morly ang tungkol sa napabalitang pagbubuntis 'di umano ni AJ Raval na mariin naman itinanggi ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel