Cristy Fermin, umaasang may pasabog umano si Kris sa showing ng 'Maid in Malacañang'

Cristy Fermin, umaasang may pasabog umano si Kris sa showing ng 'Maid in Malacañang'

- Inaasahan na ni Cristy Fermin ang maaring maging pahayag ni Kris Aquino sa showin ng pelikulang 'Maid in Malacañang'

- Patungkol umano ito sa pamilya Marcos sa kung ano raw ang sinasabi nilang nangyari sa loob ng 72 oras bago sila noon makaalis sa bansa

- Nabanggit din ni Cristy ang umano't 'histrionic disorder' tungkol kay Kris kung saan, isa umano itong kondisyon ng taong ayaw madaig sa anumang paraan

- Mapapanood ang pelikulang 'Maid in Malacañang' sa Agosto 3

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inaabangan na nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang maaring maging pasabog umano ni Kris Aquino sa showing day ng pelikulang 'Maid in Malacañang'.

Cristy Fermin, umaasang pasabog umano si Kris sa showing ng 'Maid in Malacañang'
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang pelikula kasi ay nakasentro sa sinasabing nangyari sa pamilya Marcos bago sila makaalis sa bansa at umano'y mapatalsik noon sa palasyo.

Read also

Cristy Fermin, sinabing natakot si AJ Raval sa maaring gawin ni Kylie Padilla

Ayon kina Cristy, inaasahang magbibigay komento si Kris sa naturang pelikula lalo na at ito ay patungkol sa mga Marcos.

"At abangan naman natin ang "maid in something" ni Kris Aquino," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tandaan po natin, histrionic disorder. Ito po 'yung mga taong sa anumang paraan, hindi sila papayag na madaig sila o makabog ng kahit sino," dagdag pa niya.

"Ay naku, siyempre hindi yan pakakabog, Kris Aquino kaya 'yan. August 3 may showing din siya," ani Romel Chika.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Ang 'Maid in Malacañang' ay pelikula sa direksyon ni Daryl Yap. Pinagbibidahan ito nina Ruffa Guterrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Ella Cruz at Cristine Reyes.

Samantala, si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa Showbiz Now Na! din napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa napabalitang pagbubuntis 'di umano ni AJ Raval na mariin naman itinanggi ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel