Cristy Fermin, sinabing 'di totoo ang paglipat ni Sarah G sa GMA; "Ito po ay fake news"

Cristy Fermin, sinabing 'di totoo ang paglipat ni Sarah G sa GMA; "Ito po ay fake news"

- Wala umanong katotohanan ang napababalitang paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA

- Matatandaang naging maugong ang paglipat ni Sarah kamakailan lalo na at marami ang nasasabik na mapanood siyang muli sa telebisyon

- Ayon pa kay Cristy Fermin, sinusulit lamang umano ni Sarah ang pagkakataong wala pa itong proyekto

- Buhat nang magpandemya, halos hindi mawalay si Sarah sa kanyang mister na si Matteo Guidicelli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Unang tinalakay ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode niya ng Showbiz Now Na! ngayong Hulyo 5 ay ang paglipat umano ni Sarah Geronimo sa GMA.

Cristy Fermin, sinabing 'di totoo ang paglipat ni Sarah G sa GMA; "Ito po ay fake news"
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na pinabulaanan ito ni Cristy at sinabing walang katotohanan ang naging maugong na paglipat ni Sarah G ngayong hindi na naipabalik pa ang prangkisa ng ABS-CBN.

"Hindi po totoo na lilipat na siya ng GMA 7. 'Yun po ay fake news. At lalo naman pong wala pa siyang proyekto, wala pang prangkisa ang ABS-CBN," pahayag ni Cristy.

Read also

Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya

"So ang gusto pala niyang mangyari, gamitin muna ang panahong magkasama silang mag-asawa. Magbakasyon sa iba-ibang bansa. Lalo sa Italy."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makikita sa Instagram ni Matteo Guidicelli ang ilan sa mga pinupuntahan nila ng kanyang misis na si Sarah G.

Gayunpaman, nasabi naman ni Morly Alinio, isa sa co-host ni Cristy na mas maugong ngayon ang pagiging 'Kapuso' ni Matteo. Katunayan, isa sa mga sinasabing posibleng maging proyekto ni Matteo ay isang game show.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa Showbiz Now Na! din napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa napabalitang paglipat na umano ni Sarah G sa GMA. Hindi daw ito malayong mangyari noon gayung isang VIVA talent si Sarah G.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel