Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya

Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya

- Ayon kay Donnalyn, wala namang iniambag si Jose Hallorina sa pagpapalibing sa Mama Josie niya at siya ang gumastos doon

- Ang tanging naiambag lang daw ni Jose ay videohan ang lola niya nang wala nang buhay at para umano sana sa content

- Gayunpaman, hindi na umano niya iyon itinuloy dahil na-bash na siya ng mga netizens

- Hiniling niya na sana ay patahimikin na nito ang taong namayapa na ngunit muling nagbahagi ng video si Jose tungkol sa kanilang isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiniling ni Donnalyn Bartolome na sana ay patahimikin na ang namayapang Mama Josie niya. Gayunpaman, muling nagbahagi si Jose Hallorina ng video kaugnay sa isyu.

Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya
Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya (@donna)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post ay hindi napigilan ni Donnalyn na sabihin na wala namang iniambag si Jose sa pagpapalibing sa kanyang lola. Bagkus, nag-video pa umano ito para sa content ngunit hindi na natuloy na i-upload dahil umano sa pambabatikos ng mga netizens.

Read also

Donnalyn Bartolome, naglabas ng recording ng pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie

Wala kang ambag kundi vinedeohan mo pa siya nang walang buhay para sa content mo na di mo na tinuloy i-upload dahil nabash ka na! Grabeng kahayupan!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang YouTube channel ay muli namang inupload ni Jose ang dati na niyang content kung saan pinunit niya ang aniya'y agreement nila ni Donnalyn.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Read also

Jose Hallorina, muling inalala ang unang pagtatagpo nila ni Nanay Josie

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel