Cristy Fermin, sinabing may posibilidad na lumipat sina Sarah at Matteo sa GMA

Cristy Fermin, sinabing may posibilidad na lumipat sina Sarah at Matteo sa GMA

- Nabanggit ni Cristy Fermin ang posibilidad na maging Kapuso na ang mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

- Isa umano sa mga dahilan ay ang kawalan ng proyekto ng dalawa sa ABS-CBN

- At dahil nasa ilalim ng VIVA management ang dalawa, sila na rin umano ang pumipili ng proyektong kanilang gagawin ayon kay Cristy

- Marami rin umano ang nasasabik na mapanood muli ang mag-asawa sa telebisyon man o maging sa pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matunog umano ang balitang lilipat na sa GMA 7 si Sarah Geronimo at mister nitong si Matteo Guidicelli ayon kay Cristy Fermin.

Cristy Fermin, sinabing may posibilidad na lumipat sina Sarah at Matteo sa GMA
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya ito sa Showbiz Now Na episode ngayong Hunyo 5.

"Kasi ang balita, lulundag na sila ng GMA 7," ani Cristy. Agad naman itong sinegundahan ni Romel Chika at sinabing matagal nna raw talaga itong napapabalita.

Read also

Cristy Fermin kina Julia at Gerald: "'Di ko talaga nakikitang magtatagal"

"And thinking na taga-VIVA sila, syempre si Boss Vic ang nagmamaneobra nito, co-production ito."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kasi sila na nagpi-pitch ng kung anong project ang gusto nilang gawin. Magmi-meeting na. So hindi naman masama kung lumipat man sila ng GMA, wala naman silang magawa sa kabila," dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Sa parehong episode din ng Kanilang Showbiz Now Na! hayagang nasabi ni Cristy ang saloobin niya sa relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Aniya, base na rin sa kasaysayan ng pakikipagrelasyon ng aktor, tila hindi rin daw tatagal ang relasyon nito kay Julia Barretto. Nabanggit niya ito matapos nilang mapag-usapan ang nasabi umano ni Julia sa dating nobyo na si Joshua Garcia. Pinayuhan niya kasi ito na huwag munang mag-girlfriend at mag-focus muna ito sa kanyang career.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel