Cristy Fermin kina Julia at Gerald: "'Di ko talaga nakikitang magtatagal"

Cristy Fermin kina Julia at Gerald: "'Di ko talaga nakikitang magtatagal"

- Nagbigay ng opinyon si Cristy Fermin tungkol sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto

- Ito ay matapos na mapag-usapan nila sa Showbiz Now Na! ang umano'y nasabi ni Julia sa dating nakarelasyon na si Joshua Garcia

- Humingi pa ng paumanhin si Cristy sa publiko nang sabihin niyang tila hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa

- Matatandaang bago si Julia, si Bea Alonzo ang karelasyon ni Gerald na hanggang ngayo'y masaya naman sa bago nitong kasintahang si Dominic Roque

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang nasabi ni Cristy Fermin ang kanyang pakiramdam sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Cristy Fermin kina Julia at Gerald: "'Di ko talaga nakikitang magtatagal"
Julia Barretto and Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na napag-usapan nila ito nina Romel Chika at Morly Alinio matapos na mabanggit nila ang nasabi ni Julia kay Joshua Garcia na huwag munang magkaroon ng girlfriend at tutukan muna nito ang kanyang career.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Humingi pa ng dispensa si Cristy at hayagang sinabi ang saloobin tungkol naman kina Julia at Gerald.

"Ako po, Sorry po ah. Hindi ko nakikitang magtatagal talaga si Gerald at Julia. Pinag-aralan na natin yan. Kasaysayan ni Gerald e alam naman natin 'di ba?" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinegundahan naman ito ni Romel at sinabing lalo na ngayong nakakasa-kasama ni Gerald si Ivana dahil sa bago nilang teleserye ang 'A Family Affair.' Subalit pagtatanggol naman ni Cristy, na hindi malandi si Ivana para magawa ang bagay na iyon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan sa YouTube channel nilang 'Showbiz Now Na!"

Si Julia Barretto ay Filipina actress na anak din ng mga kilalang artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Matatandaang bumida sa music video ng awitin ni Moira Dela Torre na 'Paubaya' sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Marami ang mas lalong naantig sa naturang kanta dahil tila totoo ang batuhan ng linya ng dating magkasintahan.

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel