Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

- Nagbigay komento ni Lolit Solis kaugnay sa itinakbo ng career ni Kit Thompson

- Matatandaang gumulantang sa publiko ang 'di umano'y nangyari sa sa kanila ng dating kasintahan na si Ana Jalandoni

- Sinasabing nasaktan umano ni Kit si Ana na umabot pa sa puntong nalatayan nito ang nobya

- Dahil dito, nanamlay ang karera ni Kit na noon sana'y mayroong mga ginagawang proyekto

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay pahayag si Lolit Solis kaugnay sa umano'y itinakbo ng career ng aktor na si Kit Thompson.

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"
Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila" (Photo: Kit Thomson FB)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila ang nagmamarka na ngayon sa publiko ay ang kontrobersyal na umano'y pananakit nito sa dating nobya na si Ana Jalandoni ayon kay Lolit.

"Iyon bang tuwing makikita mo sila iyon naging away nila ang maaalala mo, hindi iyon ginawa nilang project"

Read also

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Tila naging death sentence umano ang nangyari sa career ng dalawa lalo na kay Kit na biglang nanahimik matapos ang isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sirang sira na si Kit Thompson Salve. Iyon awayan nila ni Ana Jalandoni naging death sentence pareho sa kanilang career."

Dahil sa nangyari, nasabi ni Lolit na tila kailangan nang maghanap ng career ang dalawa at hindi na sa showbiz.

"Wala pa nga, maingay na dahil sa away, action movie ba ang project ? Hay naku, mag isip na lang sila ng ibang gagawin, huwag ng isiksik sa showbiz noh ! Kaloka!"

Narito ang kabuaan ng kanyang pahayag:

Si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Read also

Gerald Anderson, bumilib sa acting ni Ivana Alawi; "Nagulat ako sa performance niya"

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Noong Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, nito lamang Hunyo 2 ay na-welcome na ng Cornerstone Entertainment si Ana bilang bago nilang talent. Matatandaang ang nasabing talent agency din ang humawak noon ng career ni Kit. May spekulasyon tuloy ang ilan na maaring nagkaayos na 'di umano ang dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel