Gerald Anderson, bumilib sa acting ni Ivana Alawi; "Nagulat ako sa performance niya"

Gerald Anderson, bumilib sa acting ni Ivana Alawi; "Nagulat ako sa performance niya"

- Humanga umano si Gerald Anderson sa acting skills ng katrabahong si Ivana Alawi

- Para raw sa launa-unahang lead role ng aktres, masasabi ni Gerald na pinaghusayan talaga ito ni Ivana

- Inamin din niyang nahirapan sila sa love scene na bahagi umano ng kanilang seryeng 'A Family Affair'

- Kasama rin nila sa nasabing serye sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napabilib umano si Gerald Anderson sa husay ng pag-arte ni Ivana Alawi na leading lady niya sa ginagawa nilang serye na A Family Affair.

Nalaman ng KAMI na para umano sa kauna-unahang pagkakataon na lead role ang agad na proyekto muli ni Ivana.

"As her first lead role, ano ako sa ganyan e. Para makita mo 'yung growth sa isang tao. Makikita mo itong oportunidad na binigay sa kanya, tapos ginagawa niyang maganda, Meron akong soft part sa ganyan" ani Gerald.

Read also

Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes

"Nagulat ako, sa performance niya, sa ibinibigay niya sa passion niya, sa professionalism ba kung paano siya makipagtrabaho, maraming matutuwa"

Samantala, inamin din niyang nahirapan sila sa mainit na eksena nila ni Ivana na masasabi niyang nahirapan ng

Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Gerald mula sa TV Patrol:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Read also

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Ilang araw bago ang Halalan 2022, inihayag ni Ivana Alawi ang pagsuporta niya umano kay Bise Presidente Leni Robredo na kumandidato bilang pangulo ng bansa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel