Ivana Alawi, makulit na nakipagtawaran sa tindera sa Thailand
- Makulit at masaya ang naging trip to Thailand nina Ivana Alawi at kanyang mga kapatid
- Ito ang unang out of the country nilang magkakapatid matapos na mapirmi lang sa bansa dahil sa pandemya
- Sa floating market, nakipagtawaran pa si Ivana sa tindera at nakuha nga niya ang presyong nais niya
- Mapapansing wala ang kanilang Mama Alawi na siyang naiwan para intindihin ang mga negosyo nila gayundin ang pamangkin ni Ivana
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Masayang nakapag-bonding na rin muli sa ibang bansa ang magkakapatid na sina Hash, Mona, Amira at Ivana Alawi.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang unang pagkakataon na makapagbiyahe sila patungong Thailand makalipas ang dalawang taon na pananatili lamang sa bansa dahil sa pandemya.
Una silang nagtungo sa floating market kung saan nagawa pang makipagtawaran ni Ivana sa isang tindera na nag-alok sa kanila ng mga souvenir items at nakuha nga ni Ivana ang nais niyang presyo.
Sumubok din sila ng mga Thai food na labis naman nilang na-enjoy. Maging ang durian na hindi pa natitikman ng kanyang mga kapatid ay napakain din niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mapapansing wala si Mama Alawi na laging present sa mga vlog ni Ivana. Ito raw kasi ang nag-aasikaso sa mga negosyo nila pati na rin sa pamangkin ni Ivana na anak ng kanyang ate Amira.
Narito ang kabuuan ng video ng kanilang Thailand adventure mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:
Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.
Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.
Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.
Ilang araw bago ang Halalan 2022, inihayag ni Ivana Alawi ang pagsuporta niya umano kay Bise Presidente Leni Robredo na kumandidato bilang pangulo ng bansa.
Source: KAMI.com.gh