Magkapatid na nagkawalay sa loob ng 30 taon, nagkasama nang muli

Magkapatid na nagkawalay sa loob ng 30 taon, nagkasama nang muli

- Nagkasama nang muli ang magkapatid na sina Encarcion at Seliaco makalipas ang 30 taon

- Sa tulong ng social media, nabigyang pagkakataong magkasama muli ang dalawa

- Nang mapanood sa social media ng mga kaanak ni Lola Encarnacion, gumawa ang mga ito ng paraan upang makausap ito ng personal

- Inaya pa raw nila ito na sa kanila na maninirahan subalit hindi raw ito sanay na mamuhay na marami ang tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Emosyonal ang naging tagpo ng pagkikita ng mga magkapatid na sina Encarnacion at Seliaco ng Negros Occidental.

Magkapatid na nagkawalay sa loob ng 30 taon, nagkasama nang muli
Magkapatid na nagkawalay sa loob ng 30 taon, nagkasama nang muli
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na 30 taon na hindi nagkasama at nagkausap ang kapatid.

Dahil sa viral video ng pagtulong kay Lola Encarnacion kung saan napatayuan pa siya ng bahay ng mga ito, nahanap siya ng mga kaanak nito.

Read also

OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya

Subalit ang masasabi niyang pinakamagandang regalo sa kanya ng mga tumulong ay ang maipaalam sa kanyang may isa pa siyang nabubuhay pa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang si Lolo Seliaco ay malabo na ang mata, malabo na rin ang pandinig ni Lola Encarnacion.

Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay hindi magkakwentuhan.

Inalok na rin ng mga anak ni Lolo Seliaco na doon na manirahan si Lola Encarnacion subalit tinanggihan niya ito at hindi raw siya sanay sa mataong lugar.

Babalik pa rin sa kanyang bagong gawang tahanan si Lola Encarnacion at nangakong dadalaw pa rin ito sa kanila.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa TV Patrol:

Patok na patok talaga sa ating mga Pinoy ang iba't ibang YouTube channel na naghahatid sa atin ng saya at inspirasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Read also

Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm

Katunayan, maging ang mga kilalang artista sa bansa ay pinasok na rin ang pagba-vlog. Isa na rito si Ivana Alawi na ngayon ay mayroon nang mahigit ng 12 million na subcribers na.

Ang pinakahuling vlog niya na nagawa ay ang pulubi prank na umantig sa puso ng marami lalo na nang maiyak mismo si Ivana habang tumutulong sa mga tao sa lansangan.

Samantala, dahil sa mga vlog na ito, nabibigyang inspirasyon ang mga manonood at tulad ni Lolo Seliaco, nakita ang kanyang kapatid na matagal nang nawalay sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel