80-anyos na vlogger, labis na kinagigiliwan ng mga netizens

80-anyos na vlogger, labis na kinagigiliwan ng mga netizens

- Kinagigiliwan ngayon online ang 80-anyos na vlogger na si Lolo Vino kasama ang kanyang mga tropa

- Good vibes daw ang hatid ng mga videos nito sa kanyang YouTube channel na "Lolo Vino and Friends Official"

- Kasama rin siya sa Team Batac Official kung saan mapapanood din ang kanyang mga banat na jokes, payo at kantahan

- Isa sa mga kinagiliwan ng netizens ang swab test prank at Ivana Alawi prank kay Lolo Vino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patok ngayon sa social media ang mga video ng pinakamatandang vlogger sa bansa na si Lolo Vino.

Nalaman ng KAMI na 80-anyos na si Silvino Odullo o mas kilala bilang si Lolo Vino.

Mapapanood siya at ang kanyang tropa sa YouTube channel niyang Lolo Vino and Friends Official at maging sa Team Batac.

80-anyos na vlogger, labis na kinagigiliwan ng mga netizens
Photo from Lolo Vino and Friends Official
Source: UGC

Kasama rin ni Lolo Vino sa kanyang mga vlog sina "Boss Ed", "Marcelo" at si "Tito Val".

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Nakilala si Lolo Vino sa kanyang mga awitin, payong ibinibigay at mga nakakatuwang jokes na di akalain ng iba na maibubulalas pa ng matanda.

Isa sa mga labis na kinatuwaan ng mga netizens ang Ivana Alawi prank sa kanya ni "Boss Ed." Sinabi kasi nito kay Lolo Vino na ipinagpalit na niya ang kanyang misis kay Ivana.

At ang isa sa pinakabagong video nila ay ang swab test prank na labis ding kinagiliwan ng kanilang mga subscribers.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kasabwat nina "Boss Ed" ang nagkunwaring dalawang nakasuot ng PPE at magsa-swab test daw kay Lolo Vino.

Makikita sa mukha ng matanda na tila ninerbyos nga ito sa pagdating ng dalawang naka-PPE at kukunan umano siya ng swab test.

Mayroon daw kasing nakapagsabi sa kanila na mayroong nagkakasiyahan sa kanilang lugar kaya upang makasiguro, sasailalim ang mga ito sa test.

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Sa ngayon, may 23.4K subscribers na ang Team Batac habang ang Lolo Vino and Friends Official naman ay mayroon nang 4.65k subscribers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Patok na patok talaga sa ating mga Pinoy ang iba't ibang YouTube channel na naghahatid sa atin ng saya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Katunayan, maging ang mga kilalang artista sa bansa ay pinasok na rin ang pagba-vlog. Isa na rito si Ivana Alawi na ngayon ay mayroon nang mahigit ng 11 million na subcribers na.

Ang pinakahuling vlog niya na nagawa ay ang pulubi prank na umantig sa puso ng marami lalo na nang maiyak mismo si Ivana habang tumutulong sa mga tao sa lansangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel