Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

- Nagbahagi si Ogie Diaz ng makahulugang mensahe kaugnay sa aniya'y taong namamalimos ng simpatya

- Aniya, hindi din naman nakiramay ang taong ito noong panahon ng kalungkutan at bagkus ay nakitawa pa

- Kaya naman, payo ni Ogie ay huwag nang mamalimos ng simpatya mula sa tao

- Walang binanggit na pangalan ang showbiz reporter ngunit sa komento sa kanyang tweet ay marami ang sumang-ayon sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Ogie Diaz ng makahulugang mensahe para sa aniya'y taong hindi din ramdam ang pakikiramay noon at nakitawa pa. Aniya, dapat ay huwag nang mamalimos ng simpatya mula sa tao.

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"
Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya" (@facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook
Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya.

Read also

McCoy de Leon, inamin na nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

Hindi na nagbanggit ng pangalan si Ogie kung sino ang kanyang pinatutungkulan ngunit marami sa mga Twitter users ang umayon sa pahayag niyang ito:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilog kasi ang mundo, kung dati nakitawa pa siya ngayon sad boi na sya.
True! Wag magdrama para kumuha ng simpatya! Tumawa ka kaya gaya ng ginawa mo nung una!
Real talk lang. Sa true talaga si Carmi

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Read also

Pokwang, nagpost tungkol sa aniya'y magkaibang mukha ng narcissist

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel