Isko Moreno, naka-relate sa mga kwento ng buhay ni Coco Martin

Isko Moreno, naka-relate sa mga kwento ng buhay ni Coco Martin

- Labis na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco Martin

- Si Coco ang pinakaunang bisita ni Isko sa kanyang programa sa YouTube ang Iskovery night

- Dahil parehong tubong Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila bago makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon

- Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye ng shoot ng kanyang bagong telesrye na "FPJ: Batang Quiapo"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mapapansing nag-enjoy si dating Manila City Mayor Isko Moreno sa naging interview niya kay Coco Martin.

Isko Moreno, naka-relate sa mga kwento ng buhay ni Coco Martin
Isko Moreno at Coco Martin (Isko Moreno Domagoso YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang 'Ang Probinsyano' actor ang pinakaunang guest ni Mayor Isko sa kanyang programa sa YouTube na 'Iskovery night.'

Dahil parehong laking Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan ng dalawa sa buhay.

"'Yun yung sinasabi kong ano kami ni Coco e, ang dami naming similarities"

Read also

Cristy Fermin kay Alex Gonzaga; "Ako bilang dati mong kasama, hindi pa ako tumotodo"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mula sa mga pinagdaanan nila pagkabata, hanggang sa pagsisimula nila bilang artista, maraming pagkakapareho ang buhay nina Coco at Isko.

"Alam niyo mga kababayan hindi ko alam ah, 'yung buhay ni Coco salamin ng buhay ko," ayon pa kay Isko nang malamang maging ang tunay na pangalan nila ay minsan nang nagpahirap umano sa kanilang teacher sa pagbigkas.

Pareho rin silang nagnais na makasampa ng barko para magtrabaho. Si Isko ay minsang nangarap na maging kapitan ng barko habang si Coco naman ay nagnais na maging cook.

Paliwanag nila, bilang lumaki sa hirap, isa umano ang pagiging 'seaman' sa nakikita nila noong paraan para makaangat sa buhay.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang kwentuhan mula sa YouTube channel na Isko Moreno Domagoso:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator. Tutok na siya ngayon sa kanyang YouTube channel.

Read also

Skusta Clee at Ava Mendez, na-tsismis na engaged na dahil sa viral video

Samantala, si Coco Martin ang isa sa respetadong aktor, direktor at producer sa bansa. Matapos ang pitong taon na pamamayagpag sa ere ng FPJ: Ang Probinsyano, pinakaaabangan ngayon ang bagong teleserye niya na 'Batang Quiapo.' Katunayan, sa Translacion 2023, nagsimula na ang taping ng naturang programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel