Rendon Labador, nakatanggap daw ng envelope mula ABS-CBN

Rendon Labador, nakatanggap daw ng envelope mula ABS-CBN

- Ayon kay Rendon Labador, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante

- Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina

- Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin

- Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, wala talaga siyang balak mag-artista dahil isa daw siyang negosyante. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin.

Rendon Labador, nakatanggap dw ng envelope mula ABS-CBN
Rendon Labador, nakatanggap dw ng envelope mula ABS-CBN (facebook.com/rendonlabadorfitness)
Source: Facebook

Matapos nga niyang makatanggap ng envelop na may nakalagay na pangalan na mula umano ito sa ABS-CBN ay binahagi ni Rendon ang kanyang saloobin.

May dumating na envelope sa office from the content creator ABS-CBN, ano kaya to? Ayaw kong mag artista kasi negosyante talaga ako at ayaw ko ng scripted as much as possible. Ang forte ko lang naman ay ipaglaban ang TAMA at i-boses ang mga mahihina, pero if ever na matutuloy kung ano man to… isa lang masasabi ko “ako ang tatapos sa era ni Coco Martin”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.

Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel