Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay

- Pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang rest house sa Tagaytay sa pamamagitan ng isang house tour na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel

- Ani Kim, maituturing niyang isa ito sa kanyang mga pinaka-pinangarap sa buhay

- Sa naturang vlog ay pinakita ni Kim ang exterior ng kanilang rest house na mayroong receiving lounge at fire pit

- Sa kanyang susunod na vlog ay ibabahagi naman niya ang tour sa loob ng kanyang rest house

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang binahagi ni Kim Chiu ang house tour sa kanyang rest house sa Tagaytay. Ani Kim, isa ito sa kanyang mga pinakapinangarap kaya masaya siyang na-eenjoy na niya ito ngayon kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay
Kim Chiu, pinasilip ang kanyang rest house sa Tagaytay
Source: Youtube

Sa naturang vlog episode ay pinakita ni Kim ang exterior ng bahay. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang receiving lounge at ang fire pit. Aniya, nagustuhan niya na mayroon nang fire pit ang bahay nang bilhin niya ito.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Dahil nga sa malamig ang klima sa Tagaytay kadalasan, na-eenjoy daw nila ng kanyang mga kaibigan at kaanak ang firepit.

Pinasilip din niya ang dalawang guest room na aniya ay maganda ang pwesto dahil nakikita ang pagsikat ng araw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel