Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo

- Kinaaliwan si Alex Gonzaga sa kanyang bagong vlog kung saan nakasama niya ang mga vloggers na ang mag-inang Aguinaldo at mag-amang Aniceto

- Dinala niya ang mga ito sa isang horror house para sa isang challenge

- Bago mag-umpisa ang kanilang pagpasok sa horror house ay may tig 50k ang dalawang grupo

- Tuwing mapapamura at mapapasigaw ang mga ito ay babawasan ng tig-isang libo ang kanilang pera na mula kay Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni Alex Gonzaga ay kasama niya ang vloggers na ang mag-inang Aguinaldo at mag-amang Aniceto. Dinala niya sa horror house ang mga ito para sa isang challenge.

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo
Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo
Source: Youtube

Ang challenge ay bawal silang sumigaw o magmura kapag pumasok sila sa loob ng horror house. Sa tuwing sisigaw o magmumura ay mababawasan ng isang libo ang 50K na perang mula kay Alex.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Nang matapos ang kanilang paglibot sa loob ng horror house, kunwari ay nagkwenta si Alex ng perang natira na lamang dahil sa naging reaksiyon ng mga ito. Gayunpaman biro lang pala niya ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa mga maituturing na pinakanauna at pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit milyon-milyong subscribers sa kasalukuyan.

Nagkomento si Alex sa vlog ni Luis Manzano kung saan nakausap niya sina Whamos Cruz at Antonette Gail. Sa naturang vlog ay naibahagi nila ang tungkol sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan at sa kanilang buhay bilang mga magulang. Nabanggit ni Luis na nakuha niya kay Alex ang number ni Whamos at nagbiro pa ito na sinabi daw ni Alex na hindi siya mabait. Ani Alex, nakakuha na siya ng guest nanira pa ito sa kanya nang sabihan siya ni Luis na naninira ito.

Kinaaliwan si Alex sa kanyang vlog kung saan ginawa niya ang "Yaya for a Day vlog" . Inalagaan niya ang anak ni Winnie Wong na si Suri at kasama niya ang kaibigang si Fifth Solomon. Ani Alex, si Winnie ang tumulong sa kanya nang umpisahan niya ang kanyang vlog at may anak na ito samantalang siya ay si Fifth pa rin ang kasama. Marami ang naaliw kay Alex at humiling na sana ay mabiyayaan na siya ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel