Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

- Isa sa mga binalikan ng mga fans ay ang interview kay Daniel Padilla noong buwan ng Oktubre

- Ito ay nang matanong ito tungkol sa pelikula ni Kathryn na "A Very good Girl"

- Kapansin-pansin na 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, isang buwan bago nila kumpirmahin ang hiwalayan

- Matatandaang Nobyembre 30 nang magkasunod na nag-post sina Daniel at Kathryn ng tungkol sa pagtatapos ng 11 taon nilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kanya-kanyang pagbabalik alaala ang mga fans ng Kathniel matapos na kumpirmahin mismo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan kamakailan.

Interview kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya Kathryn, viral
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (@supremo_dp)
Source: Instagram

Isa nga umano sa mga nahalukay ng fans ay ang interview ni Nathalie Tomada noong Oktubre 30 na ibinahagi ng Philippine Star kung saan natanong pa si Daniel tungkol sa reaksyon nito sa blockbuster movie ni Kathryn, ang A Very Good Girl.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Kapansin-pansin na tinawag pa rin noon ni Daniel na 'nobya' si Kathryn sa kabila ng espekulasyong matagal na 'di umano siyang hiwalay.

"Well, sino bang gagawa nun? "Binuhay niya lang naman ang mundo ng pelikula. At walang ibang gagawa nun, kundi nobya ko lang, Si Kathryn lang ang gagawa 'nun," ang kabuuan ng nasabi ni Daniel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isang buwan ang nakalipas, sa kani-kanilang social media, inanunsyo ng dalawa ang pagtatapos ng kanilang relasyon makalipas ang 11 taon.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Philippine Star:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel