Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia

Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia

- Inamin ni Janno Gibbs na minura talaga niya ang dating katrabahong si KitKat Favia

- Ikinuwento niyang pwede silang makabalik sa show kung makakapag-ayos sila ni KitKat

- Kaya naman dalawang linggo umanong sinubukan niyang makipag-ayos kay KitKat ngunit ayaw na umano niya talaga

- Bago lumabas ang kanilang mga post ay pinag-meeting sila at humingi ng dispensa si Janno ngunit hindi umano humingi ng dispensa sa kanya si Kitkat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pinagkaila ni Janno Gibbs na namura niya talaga si Kitkat Favia. Ngunit aniya maraming salita ang tiniis niya mula kay Kitkat bago niya nabitawan ang mga masasakit na salita. Ito ay kanyang naibahagi nang maging guest siya sa vlog ni Ogie Diaz.

Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia
Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Naibahagi niyang humingi na siya ng dispensa kay Kitkat nang pinagharap sila ng management. Gayunpaman aniya ay hindi siya nakatanggap ng anumang paghingi ng dispensa mula kay Kitkat.

Read also

Janno Gibbs, aminadong sumama ang loob kay Ogie Diaz dahil sa nasabi nito

Gayunpaman, ani Janno ay wala na sa kanya iyon. Madala lang umano siyang magtampo ngunit mabilis din daw mawala ang kanyang pagtatampo.

Matatandaang naging mainit ang patutsadahan nila ni Kitkat sa social media matapos ang insidenteng nangyari umano sa kanilang noontime show sa Nert25.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".

Kamakailan ay inilabas ni Janno ang kanyang saloobin kaugnay sa komentong tila tinatamad umano siyang maglaro ng badminton. Sinabihan niya ang lahat na basahin muna ang kanyang caption kung saan nakasaan na "warm-up" lamang ang kanyang ginagawa. Nilinaw niya kung ano ang ibig sabihin ng warm up at inudyukan ang mga netizens na magbasa naman kung may time.

Nakatanggap din si Janno ng negatibong komento mula sa kanyang basher. Sa kanyang binahaging Instagram Story, pinakita niya ang komento nito na nagsasabing laos umano siya. Pinakita niya rin ang IG profile ng naturang basher na may nakalagay na "Spread love, be compassionate." Dahil dito ay tinawag ni Janno ang naturang basher na hypocrite.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel