Janno Gibbs, aminadong sumama ang loob kay Ogie Diaz dahil sa nasabi nito

Janno Gibbs, aminadong sumama ang loob kay Ogie Diaz dahil sa nasabi nito

- Aminado si Janno Gibbs na sumama ang loob niya kay Ogie Diaz kaugnay sa nasabi nito sa kanyang YouTube video kaugnay sa isyu ni Janno noon at ni KitKat Favia

- Gayunpaman, nilinaw ng tinaguriang King of Soul na hindi naman siya nagtatanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa

- Nauna na silang nagkita at nagkausap nang minsang magkasama sila sa isang rally noong panahon ng pangangampanya

- Pormal na humingi ng dispensa si Ogie kay Janno ngunit ani Janno ay kahit papaano ay naiintindihan niya na umano si Ogie dahil hindi naman sila personal na nagkatrabaho at bumase lamang siya sa iba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi kinaila ni Janno Gibbs na sumama talaga ang loob niya kay Ogie Diaz. Hindi umano niya nagustuhan ang nasabi ni Ogie tungkol sa kanya nang kainitan ng isyu nila noon ni KitKat Favia.

Read also

Janno Gibbs, inaming namura niya talaga si KitKat Favia

Janno Gibbs, aminadong sumama ang loob kay Ogie Diaz dahil sa nasabi nito
Janno Gibbs, aminadong sumama ang loob kay Ogie Diaz dahil sa nasabi nito (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Ani Janno, medyo napag-isip-isip niyang halos lahat ng nabanggit ni Ogie ay mula lamang sa ibang tao kaya naintindihan niya umano si Ogie kahit paano.

Humingi ng dispensa si Ogie sa kanya kung nasaktan man umano niya ang damdamin ni Janno.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".

Kamakailan ay inilabas ni Janno ang kanyang saloobin kaugnay sa komentong tila tinatamad umano siyang maglaro ng badminton. Sinabihan niya ang lahat na basahin muna ang kanyang caption kung saan nakasaad na "warm-up" lamang ang kanyang ginagawa. Nilinaw niya kung ano ang ibig sabihin ng warm up at inudyukan ang mga netizens na magbasa naman kung may time.

Nakatanggap din si Janno ng negatibong komento mula sa kanyang basher. Sa kanyang binahaging Instagram Story, pinakita niya ang komento nito na nagsasabing laos umano siya. Pinakita niya rin ang IG profile ng naturang basher na may nakalagay na "Spread love, be compassionate." Dahil dito ay tinawag ni Janno ang naturang basher na hypocrite.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel