Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"

Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"

- Tawang-tawa sina Alora Sasam at Miles Ocampo habang pinapanood ang kaibigan nilang si Kathryn Bernardo

- Ito ay dahil hindi siya nakakatama ng pins sa bowling at anila ay napipikon na daw ito

- Makikita sa video na dalawang beses umulit si Kathryn pero bigo pa rin siyang makapatumba ng bowling pin

- Ani Kathryn, last na daw nila iyon magbo-bowling night sila at habang sinasabi niya iyon ay hindi pa rin mapigil ng mga kaibigan niya na matawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tawang-tawa sina Alora Sasam at Miles Ocampo sa reaksiyon ng kaibigan nilang si Kathryn Bernardo. Ani Alora, si Kathryn daw ang nagyaya na mag-bowling sila pero ito din ang unang umayaw.

Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"
Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"
Source: Facebook

Sa binahaging Facebook reel ni Alora, makikita si Kathryn na sumubok pero bigong makapagpatumba ng bowling pins sa dalawang beses na kanyang pag-ulit.

Read also

Miles Ocampo, sa pagiging isang Eat Bulaga host: "Parang isa 'yun sa malaking 360 ng buhay ko"

Maririnig naman na tawang-tawa sina Alora at Miles dahil ani Alora ay napikon na daw si Kathryn. Kasunod nito ay sinabi ni Kathryn na huling beses na daw nila iyon na mag-bowling night sila.

Last na to na mag-bo-bowling night tayo. Tigilan na to!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Read also

Kathryn Bernardo, ni-repost ang picture niya kasama ang malalapit na kaibigan

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel