Kathryn Bernardo, ni-repost ang picture niya kasama ang malalapit na kaibigan

Kathryn Bernardo, ni-repost ang picture niya kasama ang malalapit na kaibigan

- Ni-repost ni Kathryn Bernardo ang picture niya kasama ang ilang mga kaibigan niya sa showbiz

- Basi sa mga post ng iba pang kasama niya ay nag-dinner silang magkakasama

- Kabilang sa mga naroroon ay sina Joshua Garcia na kasama si Emmy Vigier, Miles Ocampo, Loisa Andalio, Alora Sasam, Rambo Nuñez at Maja Salvador

- Masaya naman ang mga fans ni Kathryn na nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan sa gitna ng kanyang pinagdadaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Kathryn Bernardo ang pictures nila kasama ang ilang mga kaibigan niya. Kabilang sa mga naroroon ay sina Joshua Garcia na kasama si Emmy Vigier, Miles Ocampo, Loisa Andalio, Alora Sasam, Rambo Nuñez at Maja Salvador.

Kathryn Bernardo, ni-repost ang picture niya kasama ang malalapit na kaibigan
Kathryn Bernardo, ni-repost ang picture niya kasama ang malalapit na kaibigan
Source: Instagram

Ikinatuwa ng mga tagasuporta ni Kathryn na may mga kaibigan itong nakakasama sa gitna ng pinagdadaanan niya. Meron ding mga napaisip kung lilipat daw ba kaya ng management si Kathryn sa agency ni Maja.

Read also

Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel