Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'

Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'

- Kabilang si Kathryn Bernardo sa mga nag-like sa post ni Mark Salamat tungkol sa pagkakamali na naulit

- Si Mark ay kaibigan nina Kathryn at ng ex niyang si Daniel Padilla

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nakasaad sa naturang post ang quote na “A mistake repeated more than once is a decision”

- Usap-usapang muli ang KathNiel matapos mapansin ng publiko ang pag-unfollow ni Kathryn kay Daniel

Kabilang si Kathryn Bernardo sa nag-like sa post ng kaibigan nila ni Daniel Padilla. Nakasaad sa naturang post ang quote na “A mistake repeated more than once is a decision.”

Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'
Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'
Source: Instagram

Agad na napansin ng netizens ang pag-like ni Kathryn sa post lalo at usap-usapan pa rin ang pag-unfollow ng aktres sa dating karelasyon. Wala namang naging komento si Kathryn kaugnay sa post. Maging sa kanilang breakup statement ay maayos ang mga mensahe nila sa isa't-isa.

Read also

Miles Ocampo, napatawad na si Elijah Canlas: "Parang lahat naman ng tao nagkakamali"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Read also

Andrea Brillantes, ayaw na nang may ka-love team: "I think it’s not for me"

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel