Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

- Usap-usapang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ

- Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda

- Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang isa't-kalahating buwan mula nang aminin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay, naka-unfollow na si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa Instagram. Sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si DJ kay Kath.

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram
Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram
Source: Instagram

Agad na napansin ng netizens na wala na sa following list ni Kath si Daniel. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nakikitang nagkakausap ang dalawa tuwing dumadalo sila sa mga events kagaya na lamang ng kasal ni Robi Domingo kamakailan.

Read also

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

Dahil sa kanilang mga video clips ay hindi maiwasan ng kanilang mga tagahanga na magkabalikan pa sila. Gayunpaman, ilan sa kanilang fans ay tanggap na rin ang nangyari at naghayag ng kanilang suporta para kina Kath at DJ .

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel