Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

- Nag-post si Toni Fowler ng isang makahulugang mensahe para sa hindi pinangalanang tao

- Kasunod nito ay binahagi niya ang post ng anak niyang si Tyronia kung saan binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang mommy at kanyang Dadeh Vince

- Aniya, hindi na kailangan sabihin ng kanyang mommy at dadeh na mahal siya ng mga ito dahil araw-araw daw niya itong nakikita

- Ani Toni, ang kanilang pagmamahal kay Tyronia ay panghabangbuhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Toni Fowler ng mensahe para sa isang taong hindi niya na pinangalanan. Ibinida niya rin ang picture nila kasama ang anak at ang kasalukuyang boyfriend niyang si Vince Flores.

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"
Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"
Source: Facebook

Ang naturang picture ay mula sa post ni Tyronia kung saan binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang mommy at kanyang Dadeh Vince.

Read also

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

Hindi nyo na po kailangan sabihin saakin na mahal nyo po ako dahil araw araw ko naman po nakikita sainyo

Ani Toni, ang kanilang pagmamahal kay Tyronia ay panghabangbuhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel