Andrea Brillantes, ayaw na nang may ka-love team: "I think it’s not for me"

Andrea Brillantes, ayaw na nang may ka-love team: "I think it’s not for me"

- Sa media conference ng "Senior High", nasabi ni Andrea Brillantes na mas mainam ang wala sa love team

- Hindi na raw umano niya nakikita ang sarili na mayroong kapareha dahil na rin sa kanyang career growth

- Nilinaw personal niya itong pananaw at nirerespeto pa rin umano niya ang mga love team sa showbiz

- Sa kabila ng kontrobersya, marami umanong pumupuri kay Andrea sa kanyang pagganap sa "Senior High"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na raw umano nakikita ni Andrea Brillantes ang kanyang sarili na nakakahon lamang sa isang love team.

Andrea Brillantes, ayaw nang may ka-love team: "I think it’s not for me"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Sa ginanap na media conference ng serye niyang Senior High, isa ito sa kanyang naipaliwanag.

"Mas nakikilala ko ang sarili ko bilang isang actress at mas madami akong puwedeng paglaruan at makatrabaho na bago. Kaya mas magandang mag-explore," ani Andrea sa pagkakaroon ng solo career.

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

"Ang dami ko nang napagdaanan sa shows na lagi akong may kapartner. Noong nagkaroon ako ng opportunity na pwede na akong maging solo artist, gusto ko na siyang i-explore. Ngayon, super ko na siyang nae-enjoy," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nilinaw ni Andrea na suportado pa rin niya ang mga love teams sa showbiz.

"Support ako sa love teams. Pero na-realize ko na I think it’s not for me to be paired up with someone. Personally, mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa ako. Pero support ako sa mga love teams. I have nothing against them. This is just my personal opinion.”

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Andrea sa nasabing media con na naibahagi din ng Mega Kapamilya:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano'y naaawa siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko.

Matatandaang ipinagtanggol pa ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay 'di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel