Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

- Nag-post si Diego Loyzaga ng album art ni Ty Thom kung saan mababasa ang mga salitang "Trouble in Paradise"

- Ito ay kasunod ng nilabas na Instagram stories ng ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco

- Nagbahagi din ng screenshot ng umano'y convo nila ni Alexis kaugnay sa nangyari

- Gayunpaman, binura din ni Diego ang kanyang mga post na ito sa kanyang Instagram stories

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala pang nilalabas na pahayag si Diego Loyzaga kaugnay sa akusasyon sa kanya ng ina ng anak niya. Gayunpaman, naibahagi niya ang umano'y convo nila ni Alexis Suapengco kaugnay sa nangyari.

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"
Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"
Source: Instagram

Makikita doon na iginigiit ni Diego na wala siyang pagbabanta tungkol sa sustento kundi pinapaliwanag lamang niya na maapektuhan ang kanyang trabaho at mahihirapan siya mag-provide.

Read also

Gloc-9, ikinuwento paano noon napapayag si Boy Abunda sa music video ng 'Sirena'

"I never said i woudnt provide?? Why would you say that in your post?!? You['re] lying to everyone!!! IM SAYING THAT IF U RUIN ME, how can i provide for my baby!!!!"

Aniya, wala siyang itinatanggi ngunit aniya ay hindi niya pababayaan ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, isang espesyal na pagbati ang natanggap ni Diego Loyzaga mula sa kanyang ama. Sa isang video greeting, makikita si Cesar kasama ang tatlo pang bata at isa sa mga ito ay ang anak ni Cesar sa beauty queen na si Sandra Seifert. Hindi naman malinaw kung anak niya din ang dalawa pang bata na kasama nila ngunit brother umano niya si Diego. Nagpasalamat naman ang aktor sa pagbating ito ng kanyang ama at ng tatlong bata na sina Samuel, Liam at Kristen.

Read also

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Itinanggi ni Debbie Garcia na third party siya sa relasyong Diego at Barbie Imperial. Nilinaw niya rin na walang namagitang relasyon sa kanila ni Diego kagaya sa lumabas na balitang dahilan umano ng ikinagalit ng aktres. Buti na lang umano at nakapagpa-medicolegal siya noong gabing nangyari ang gulo sa pagitan nila ni Barbie. Nauna nang naibalita na nagsampa na ng kaso si Debbie kay Barbie kaugnay sa umano'y ginawa nito sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel