Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

- Naibahagi ni Anne Curtis sa kanyang broadcast channel na isa sa kanyang new years resolution ay yung hindi siya mabulol sa isang buong episode ng "It's Showtime"

- Matapos nga ang episode ngayong araw ng "It's Showtime" ay walang bulol moments ang TV host

- Kaya naman, may mga fans siyang nag-post at binati siya na natupad niya ang isa sa kanyang gustong gawin

- Sagot naman ni Anne, masaya siya na nagawa niya ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang-masaya si Anne Curtis na natapos niya ang isang buong episode ng It's Showtime nang hindi siya nabulol. Naibahagi niya sa kanyang broadcast channel na isa sa kanyang new years resolution ito.

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"
Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"
Source: Instagram

Kaya naman, may mga fans siyang nag-post at binati siya na natupad niya ang isa sa kanyang gustong gawin.

Read also

Miles Ocampo, naikwento ang pagiging cancer-free: "'Yung meds ko, habang buhay na siya"

Congrats, @annecurtissmith No bulol for today’s episode! Bilis naman ng katuparan ng New Year’s Resolution.

Sinagot naman ito ni Anne at inihayag ang kanyang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I'm so happy! I did it!

Kinaaliwan ang mga bulol moments ni Anne sa It's Showtime kahit noon pa man. Sa kabila kasi ng kanyang mga bulol moments ay makikitang sinisikap nitong ayusin ang kanyang pananagalog.

Si Anne Curtis Smith-Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel