Diego Loyzaga, binati ni Cesar Montano at ng kanyang mga kapatid

Diego Loyzaga, binati ni Cesar Montano at ng kanyang mga kapatid

- Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, isang espesyal na pagbati ang natanggap ni Diego Loyzaga mula sa kanyang ama

- Sa isang video greeting, makikita si Cesar kasama ang tatlo pang bata at isa sa mga ito ay ang anak ni Cesar sa beauty queen na si Sandra Seifert

- Hindi naman malinaw kung anak niya din ang dalawa pang bata na kasama nila ngunit brother umano niya si Diego

- Nagpasalamat naman ang aktor sa pagbating ito ng kanyang ama at ng tatlong bata na sina Samuel, Liam at Kristen

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binati ni Cesar Montano ang anak na si Diego Loyzaga sa kaarawan nito.Makikita si Cesar kasama ang tatlo pang bata at isa sa mga ito ay ang anak ni Cesar sa beauty queen na si Sandra Seifert.

Read also

Coco Martin, naiyak sa kanyang pagpunta sa lamay ni Susan Roces

Diego Loyzaga, binati ni Cesar Montano at ng kanyang mga kapatid
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Hindi naman malinaw kung anak niya din ang dalawa pang bata na kasama nila ngunit brother umano niya si Diego. Sa kanyang komento, nagpasalamat si Diego sa kanyang ama at nagsabing mahal niya ito kasama ang mga batang sina Samuel, Liam at Kristen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan lang nang magkaayos sina Cesar at Diego. Base sa isang ulat ng malapit na kaubigan ni Cesar na si Dolly Anne Carvajal, matapos magka-COVID si Cesar at masugod sa ospital, mismong si Diego ang nakipag-ugnayan sa kanya upang makausap nito ang kanyang ama. Ito umano ang naging simula ng muling pagkakaayos ng mag-ama.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel