Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

- Maging si Julia Montes ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Susan Roces

- Sa kanyang Instagram post, pinakita nito ang mga handwritten letters na kanyang natanggap mula aktres na binansagan siyang "Queen of Philippine Movies"

- Ani Julia, hindi niya makakalimutan ang mga kwento at payo nito sa kanya sa sa buhay at sa buhay pag-ibig

- Nagkasama sila sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap si Susan bilang si Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Julia Montes ang ilan sa mga handwritten letters na kanyang natanggap mula sa yumaong beteranang aktres na si Susan Roces. Aniya, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga kwento at payo nito sa kanya sa sa buhay at sa buhay pag-ibig.

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces
Susan Roces-Poe (Photo by Paula Bronstein)
Source: Getty Images

Binigayn din umano siya ng CD ng kantang "Greatest love of All" at bilin umano sa kanya nito na huwag niyang kakalimutan ang naturang awitin.

Read also

Sen. Grace Poe sa sanhi ng pagkamatay ni Susan Roces; "Bumigay po ang kanyang puso"

Nagkasama sila sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap si Susan bilang si Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay.

One of the few handwritten letters from you … hinding - hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig.❤️ mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral … mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan… isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan…

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Rita Avila, madalas mahusgahan dahil sa pag-aalaga umano ng mga manika

Ani Julia, hindi mawawala sa kanyang puso ang lahat ng itinuro sa kanya ng aktres na binansagan siyang "Queen of Philippine Movies."

wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po !

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Huli siyang napanood sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap siya bilang Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay (Coco Martin). Matatandaang matapos matigil ang taping dahil sa pandemic, locked-in taping ang naging sagot para maipagtuloy ang paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Matatandaang nauna nang naiulat ng KAMI na hindi na makakasama sa pagbabalik taping ang beteranang aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel