Rita Avila, madalas mahusgahan dahil sa pag-aalaga umano ng mga manika

Rita Avila, madalas mahusgahan dahil sa pag-aalaga umano ng mga manika

- Madalas umanong mahusgahan si Rita Avila dahil sa pag-aalaga nilang mag-asawa ng mga manika

- Parang mga tao raw kasi nila ito kung ituring at aminadong kinakausap pa talaga nila ito

- Para kina Rita, normal lamang ang kanilang ginagawa tulad ng pagkakahilig ng ibang tao sa iba't ibang bagay tulad ng kotse, sapatos at iba pa

- Nilinaw din niya ang pagkakaroon ng mga manika ay nauna pa sa pagkakaroon nila ng anak na kalauna'y pumanaw din dahil sa karamdaman

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Rita Avila na madalas umano silang mahusgahan ng kanyang mister na si Direk Eric Reyes dahil sa pag-aalaga ng mga manikang sina "Popoy at Mimay."

Rita Avila, madalas mahusgahan dahil sa pag-aalaga umano ng mga manika
Rita Avila (@msritaavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa naibahagi niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Read also

Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

"That time, bumibili kami ng doll para sa pamangkin ni Eric. E na-cutan kami 'dun sa Popoy Mimay. Sabi ko bili rin tayo, bagong kasala kami nun. Bili rin tayo para sa'tin. Tapos after a year, may nagbigay naman ng stuff toy kay Eric na ano siya, props ni Shaina [Magdayao] sa isang show nila, 'Direk sa'yo nalang 'to dahil mahilig kayo sa dolls," pagbabalik-tanaw ng aktres sa kung paano sila nagkaroon ng tatlong mga doll.

"Syempre, kung ano-anong chismis ang nangyari nun, 'yun nga tinuring ko na baby talaga,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I'm simply ano, childlike. Kasi 'yung mga kaklase ko noong high school, oo kahit naman elementary pa lang nagdadala ka na ng manika sa school," dagdag pa ni Rita.

"Yung sa akin normal, syempre sa ibang tao pinag-iisipan nila ng masama. Kaya sabi ko nga para ng mga sira ulo 'tong namimintas sa akin kasi mas iba 'yung imagination nila 'di ba?"

Read also

May-ari ng nag-viral na mga bahay ng Kakampink at BBM supporter, magkamag-anak pala

Katwiran pa ni Rita, marami rin namang ibang tao na nababaliw umano sa iba't ibang bagay tulad ng kotse, bag at sapatos. Sa kaso nilang mag-asawa, manika ang kinagigiliwan nila.

Sa kabila ng mga pangungutyang ito, nagdulot din ng magandang biyaya ang pagkakaroon niya ng mga manikang ito na naging daan para siya ay makalika ng mga librong pambata.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Rita Avila ay isa sa mga kilalang Filipina actress. Napangasawa niya ang direktor na si Erick Reyes. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Elia Jesú E. Reyes na binawian ng buhay tatalong linggo matapos na ito'y maisilang.

Naikwento rin ni Rita sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol sa anak na si Jesu na tila nagpaparamdam umano sa kanya sa pamamagitan ng langaw o paro-paro.

Nilinaw din niyang ang pagkakaroon nila ng manika ng kanyang asawa ay nauna pa sa pagkakaroon nila ng anak. Subalit dahil sa hindi na muli sila nabiyayaan ng supling, ang mga manika ang pinaghuhugutan na rin nila ng kaligayahan sa kanilang tahanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel