Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

- Inalala ng marami ang huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano

- Tila napapanahon pa ang naturang eksena na patungkol sa mga mahal sa buhay na namayapa na

- Hindi na rin umano matutuloy pa ang pinakaabangang pagkikita nina Lola Flora na karakter si Roces at ni Cardo na karakter naman ni Coco Martin sa serye

- Mayo 20 nang kinumpirma ni Senator Grace Poe ang pagpanaw ng inang si Susan Roces sa edad na 80

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagpanaw ng beteranang aktres sa bansa na si Susan Roces, muling binalikan ng marami ang huling eksena niya bilang si Lola Flora sa FPJ: Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Huling eksena ni Susan Roces sa 'Ang Probinsyano', binalikan
Photo: Susan Roces (FPJ: Ang Probinsyano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila napapanahon ito sa kanyang sinapit at tungkol sa mga namayapang mahal sa buhay ang kanyang eksena.

"Nakakalungkot isipin, mga miyembro ng pamilya natin na nawala na sa atin. Sa isang banda, andiyan lang sila, nakamasid, pinanonood tayo. ‘Pag nakikita nilang lumuluha tayo’t nalulungkot, lumuluha din sila at nalulungkot. ‘Pag nakita naman nilang masaya tayo, nagiging masaya sila"

"Talagang ganiyan ang buhay...Tanging Diyos lang ang nakakaalam," ang mga katagang nasabi niya sa serye.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasabay ng lungkot ng pagpanaw ng aktres, ay ang bahagi ng 'Ang probinsyano' na hindi na maisasakatuparan pa, ang pagkikita nina Lola Flora, ang karakter na ginagampanan ni Roces at Cardo, na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Narito ang umano'y huling eksena ni Susan Roces sa Ang Probinsyano na ipinalabas sa bisperas ng 2022 na naibahagi rin ng ABS-CBN:

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagsama sa taping ng Ang Probinsyano, nabigyan ng sandaling pagkakataon na makalabas muli sa serye si Roces.

Isa na nga rito ang emosyonal nitong eksena na ipinalabas bago matapos ang taon 2021.

Samantala, Mayo 20 nang kumpirmahin ng anak niyang si Senator Grace Poe ang pagkamatay ng aktres na napaligiran ng mga mahal niya sa buhay bago pumanaw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel