Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak

Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak

- Naikwento ni Rita Avila na langaw at paro-paro umano ang simbolo ng pagdalaw sa kanya ng yumaong anak

- Nagtataka pa raw siya noon madalas na may langaw na sumusunod sa kanya

- Minsan naman, paro-paro umano ang umaaligid sa kanya dahilan para siya'y maging emosyonal

- Dahil sa nangyari, mas lalong naging bukas ang puso ni Rita sa pagtulong sa mga bata at maging mga matatanda na nangailangan ng kalinga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Rita Avila kay Ogie Diaz ang umano'y tila pagdalaw sa kanya ng yumaong anak na si 'Jesu.'

Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak
Rita Avila (Photo: Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na madalas nakakakita ang aktres ng langaw na maging sa hotel ay tila sinusundan siya.

Subalit isang pagkakataon, tila hinamon niya ang langaw at sinabing dumapo sa kanyang kamay kung ito nga ang kanyang anak.

Read also

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

"Sabi ko ano ba 'to, hotel may langaw... 'Kung ikaw nga si Jesu, punta ka nga sa daliri ko... Nagpunta!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Strange pero nangyayari.Tapos nung nakatindig ako sa may puntod niya. Out of nowhere, ,ay lumipat na sa'kin.Napaiyak ako."

Kung hindi man langaw, paro-paro rin ang umano'y simbolo ng pagbisita at paggabay sa kanya ng kanyang munting anghel na sana'y 16 na taong gulang na.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz mula sa kanyang Youtube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Rita Avila, inaming huling umiyak sa pagpanaw ng supporter ni VP Leni

Samantala, sina Ogie Diaz at Rita Avila ay pawang naging celebrity supporters ni Leni RObredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa

Bukod kina Rita at Ogie, marami ring mga artista at mang-aawit ang pinasalamatan ni Robredo dahil sa boluntaryong pagsuporta sa kanyang naging kandidatura.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel