Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nasagap patungkol sa kumalat na picture nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez

- Kuha umano ito sa isang branch ng bar na umano'y shareholder si Barbie

- Masasabing wala umanong malisya ang naturang pic gayung sandali lamang na napaupo Richard kung saan naroon si Barbie at iba pang may-ari ng bar na kilala rin ng aktor

- Matatandaang naging matunog ang hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na wala pang malinaw na kumpirmasyon mula sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz ang nasagap niya 'di umano mula sa kanyang source patungkol sa kontrobersyal na kuhang larawan kina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na magkatabi sa isang bar.

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Tila pinabulaanan ito ng source ni Ogie at ipinaliwanag ang kwento sa likod ng larawang iyon.

Read also

Ogie Diaz, nasagap ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito

"'Yung totoo niyan, si Barbie Imperial, ay isa sa mga shareholders ng Tipsypig. So ang may share si Barbie ay sa Tipsypig Timog, Qc at doon sa Alabang. So bilang siya ay isa sa mga may-ari ay may obligasyon 'yung mga may-ari na pumunta sa kanilang mga negosyo para mag-entertain ng mga bisita. Para magpakita sa mga bisita na 'yun ay puntahan ng mga artista," ani Ogie.

"Nagkataon lang na kaibigan ni Richard 'yung lahat ng may-ari ng Tipsypig. Parang apat na tables yun," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So 'nung naupo siya kay Barbie. Nakunan ng picture. Alam mo kahit sino pang babae 'yan ah. Lalo na kung ang lalake o yung babae na involve sa isang relasyon, sa isang hiwalayan, tiyak na tututukan ng mga Marites kung sino yung next na makakasama nila."

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

"Nagkatabi lang sila for how many minutes daw doon sa table as per my source, sandali lang yun syempre... lahat ng mga camera sa cellphone e nag-video, nag-picture. 'Di ba? Pero hindi nila alam 'yung mga nangyayari doon. Na merong selebrasyon, na dumiretso pa si Barbie sa Poblacion. Grineet niya yung ibang mga friends, staff doon sa Poblacion. Parang post Christmas party niya. Pero wala na 'dun si Richard kasi nag-uwian na sila dahil si Richard, naka-motor. So karamihan ng mga bisita, naka-motor lang," pagdedetalye pa ni Ogie.

Aniya, tila nabigyan lamang agad ito ng malisya gayung mainit pa rin hanggang ngayon ang 'di umano'y hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

"'Yung medyo sensitive ngayon, 'yung mga tao sa issue ng hiwalayan. Talagang kung sino yung makakasama mo, ili-link ka talaga."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya kahit nauwi rin ito sa hiwalayan.

Read also

Darren Espanto sa video ng pag-awra ni Janine Gutierrez sa phone niya: "Oo na, maganda ka!"

Samantala, kamakailan lamang ay naging kontrobersyal si Diego Loyzaga dahil sa umano'y paglantad ng ina ng kanyang anak.

Kasabay kasi ng paglantad nito ang umano'y akusasyon kay Diego ng pagpapalayas sa kanilang mag-ina at 'di umano'y pananakot na hindi susustentuhan ang anak kung hindi buburahin ang kontrobersyal na mga post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel