Ogie Diaz, nasagap ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito

Ogie Diaz, nasagap ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito na si Alexis Suapengco

- Isa umanong kaibigan ni Alexis ang nakapagkwento nito kay Ogie Diaz

- Ipinaliwanag din ni Ogie ang open secured relationship na sinang-ayunan naman daw ni Alexis subalit nagkaroon ng 'misunderstanding' kamakailan

- Gumulantang sa publiko ang paglantad ni Alexis kasabay ng akusasyon kay Diego Loyzaga ng pagpapalayas umano nito sa kanilang mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa Ogie Diaz Showbiz Update ay ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Diego Loyzaga.

Ogie Diaz, nasagap ang umano'y open secured relationship ni Diego Loyzaga sa ina ng anak nito
Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Ito ay ang paglantad ni Alexis Suapengco, ina ng anak ni Diego.

Kasabay ng kanyang pagpapakilala sa publiko ay ang akusasyon sa aktor na may kaugnayan sa 'di umano'y pagpapalayas nito sa kanilang mag-ina.

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

"Ang napag-alaman natin diyan, mula sa narinig ko... na nagkaroon pala ng misunderstanding na parang ang dating is, pag hindi ito tinake down 'nung girl, hindi magpo-provide si Diego sa bata. Kasi nga, ano pa raw ang ipo-provide ni Diego sabi ng narinig ko kung mawawalan siya ng career dahil masisira siya doon sa post 'nung Lex," pagbabahagi ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sabi ng kaibigan nung Lex (Alexis) na nakausap ko e parang pumayag daw 'yung Lex sa ganung set-up. Basta, ipo-provide ni Diego yung pangangailangan ng kanilang anak"

Ipinaliwanag din ni Ogie kung ano nga ba ang open secured relationship na ito na nasagap niya umano sa kaibigan ni Alexis.

"Ibig sabihin 'nung open secured, I will provide for you pero let me entertain other girls. Pero hindi kita pababayaan"

Read also

Diego Loyzaga: "Again, not denying anything else, but my baby will be taken care of definitely"

"Tanong na rin natin kay Diego kung gaano katotoo na meron silang open secured relationship," ayon pa kay Ogie.
"Pero sabi ng friend nung Lex sa akin, 'di ba Ogie napakabastos naman nun? Nandun nakatira 'yung mag-ina mo, paalisin mo 'yung mag-ina mo kasama 'yung maid, para maka-enter lang yung ibang babae. 'Di ba pwedeng dalhin daw yun ni Diego sa ibang bahay, o i-check in sa motel at doon sila mag-usap"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan umano sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y pagtatapos ng kanilang relasyon.

Read also

Ina ng anak ni Diego Loyzaga, lumantad; inakusahan ang aktor na pinalayas umano sila

At ngayong taon, gumulantang sa publiko ang post ni Diego hawak ang kanyang anak na ipinakilala niya sa mundo. Bagama't 'di pa nito pinapangalanan ang ina nito, masasabing magkatuwang sila nito sa kanilang anak na limang buwang gulang na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel