Miles Ocampo, napatawad na si Elijah Canlas: "Parang lahat naman ng tao nagkakamali"

Miles Ocampo, napatawad na si Elijah Canlas: "Parang lahat naman ng tao nagkakamali"

- Isa sa natanong ni Karen Davila kay Miles Ocampo ay kung napatawad na niya ang ex-boyfriend na si Elijah Canlas

- Agad naman itong sinagot ni Miles at sinabing may pagmamahal at respeto pa rin umano siya kay Elijah

- Matatandaang isa ang naging relasyon nina Miles at Elijah sa mga hiwalayan sa showbiz noong 2023

- Gayunpaman, sunod-sunod pa rin ang naging blessings kay Miles at ang pinakabago nga ay nang magwagi siya sa katatapos lamang na MMFF bilang best supporting actress

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa nausisa ni Karen Davila kay Miles Ocampo ay ang tungkol sa pagtatapos ng relasyon nito sa aktor na si Elijah Canlas.

Tumagal din umano ng mahigit dalawang taon ang relasyon ni Miles sa kanyang first boyfriend na si Elijah.

Read also

Kathryn Bernardo, ni-like ang post ng kaibigan tungkol sa 'mistake repeated more than once'

Kaya naman nang matanong ni Karen Davila si Miles kung napatawad na ba nito si Elijah, "of course" ang naging sagot nito.

"May pinagsamahan kami, matagal din kami, and... kapag ganon na marami kayong pinagdaanan together, marami kayong happy memories din together, ’di ba, parang I have so much love and respect for that person," paliwanag ni Miles.

"Forgiveness naman ang ano, pinaka importante sa lahat, for myself din, and since I still have, uhm, love for that person. 'Di ba parang lahat naman ng tao nagkakamali, parang dapat lang maging accountable yung mga tao sa mga nagawa nila,” dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ang kanilang talakayan mula sa Karen Davila YouTube channel:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Read also

Andrea Brillantes, ayaw na nang may ka-love team: "I think it’s not for me"

Sa ngayon, isa si Miles sa mga co-host ng E.A.T. kung saan nasabi niyang isa umano ito sa kanyang mga unexpected blessings. At sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo, nag-trending ang husay niya sa pagganap bilang batang Cherry Pie Picache. Kabi-kabilang papuri ang natatanggap niya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa niya artista.

Samantala, isa si Miles sa mga artistang nauwi sa hiwalayan ang relasyon ngayong 2023. Sa kabila nito, nilinaw ni Miles na maayos ang kanilang paghihiwalay ni Elijah Canlas at hindi sila galit sa isa't isa. Mapapanod si Elijah sa seryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel