Ogie Diaz, nabalitaang nagkakamabutihan na umano sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas

Ogie Diaz, nabalitaang nagkakamabutihan na umano sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas

- Nakarating kay Ogie Diaz ang balitang nagkakamabutihan na umano sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas

- Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni Elijah na hiwalay na sila ng naging kasintahang si Miles Ocampo

- Wala pang kumpirmasyon sa kampo ni Elijah maging sa kampo ni Andrea kung totoo ang balita na may namamagitan sa kanila

- Ani Ogie, maging sila ay naghihintay sa pahayag ng dalawa na maaring i-deny o kumpirmahin ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating kay Ogie Diaz na nagkakamabutihan na raw umano ang "Senior High" stars na sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas.

Ogie Diaz, nabalitaang nagkakamabutihan na umano sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Facebook

Ani Ogie maging siya ay nagtatanong din ng katotohanan ukol sa napapabalitang ito.

"Ito naman ay nakarating lang sa akin. 'Wag akong uutusang mag-verify. Sila ang hintayin nating sumagot kung gaano katotoo na itong si Andrea Brillantes ay may bagong nililiyag."

Read also

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Kathniel: "I-out po natin si Andrea dito"

"Kasama niya sa senior high. Walang iba kung hindi si... Ito naman ay nakarating lang sa atin. At itanong na rin natin. Gaano katotoo na nagkakamabutihan na itong sina Andrea Brillantes at Elijah Canlas?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma ni Elijah ang hiwalayan nila ng aktres na si Miles Ocampo.

"Hayaan natin silang sumagot. Pwede nilang i-deny, pwede nilang i-confirm. E wala naman na si Elijah at si Miles"

Kaya naman hindi maiaalis umano sa isip ng iba na maaring ito umano ang dahilan ng hiwalayan at ng pag-unfollow umano ni Miles kay Andrea.

"Anyway, hindi naman natin alam kung yun ang dahilan ni Miles Ocampo bakit niya in-unfollow si Andrea or in the first place hindi naman talaga pina-follow ni Miles si Andrea," paalala ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Showbiz Update channel:

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Sa ngayon, tila ine-enjoy ni Andrea ang pagiging single at kamakailan nga ay napuri siya ni Dra. Vicki Belo sa pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Gayunpaman, kamakailan ay nadawit 'di umano si Andrea sa napabalitang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. At ngayon lamang November 30, kinumpirma naman mismo ng Kathniel ang kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel