Cristy Fermin sa hiwalayan ng Kathniel: "I-out po natin si Andrea dito"

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Kathniel: "I-out po natin si Andrea dito"

- Naglabas na rin ng pahayag si Cristy Fermin sa pagkumpirma mismo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang hiwalayan

- Isa na rito ay ang pagbanggit ni Cristy na sana'y 'di na madawit si Andrea Brillantes sa isyu

- Sinasabing matagal na umanong hiwalay ang Kathniel at ang bali-balita tungkol kay Andrea na naiuugnay kay Daniel ay nito lamang umano

- Sa kumpirmasyon ding ito ng Kathniel, mas lalo umanong nalinis ang pangalan ni Ogie Diaz na naakusahang fake news peddler

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad ding naglabas ng kanyang saloobin si Cristy Fermin kaugnay sa mismong pagkumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang hiwalayan.

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Kathniel: "I-out po natin si Andrea dito"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Facebook

Matatandaang sa kanila ni Ogie Diaz unang natunugan ang balita na ayon umano sa kanya-kanyang sources, hiwalay na ang Kathniel.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"

Nang kumpirmahin ito mismo nina Kathryn at Daniel kabi-kabilang espekulasyon ang lumabas tungkol sa posibleng dahilan ng hiwalayan.

Dahil dito, nabanggit ni Cristy Fermin na huwag na sanang idamay pa rito si Andrea Brillantes.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I-out po natin si Andrea dito. Dahil umusbong po yung kwento kay Andrea kailan lamang. Samantalang ito pa lang 'di pagkakaunawaan ni Daniel at saka ni Kathryn ay matagal na matagal na. Sinusubukan pa nilang gamutin pero wala na silang magawa"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Criza Taa, ikinalungkot ang paghihiwalay ng KathNiel: "Parang kinukurot yung puso ko now"

Sa ngayon, tila ine-enjoy ni Andrea ang pagiging single at kamakailan nga ay napuri siya ni Dra. Vicki Belo sa pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love. Subalit sa pinakabagong Showbiz Update ni Ogie Diaz, nabalitaan umano nitong tila nagkakamabutihan sina Andrea at Senior High co-star na si Elijah Canlas.

Gayunpaman, kamakailan ay nadawit 'di umano si Andrea sa napabalitang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. At ngayon lamang November 30, kinumpirma naman mismo ng Kathniel ang kanilang paghihiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel