Criza Taa, ikinalungkot ang paghihiwalay ng KathNiel: "Parang kinukurot yung puso ko now"

Criza Taa, ikinalungkot ang paghihiwalay ng KathNiel: "Parang kinukurot yung puso ko now"

- Maging si Criza Taa ay naghayag din ng kanyang pagkalungkot matapos kumpirmahin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang balitang hiwalay na sila

- Sa kanyang post sa X, sinabi niyang parang kinukurot ang puso niya

- Marami pang ibang mga personalidad ang naghayag ng kanilang pagkalungkot sa balitang ito

- Gayunpaman, hindi maiwasang mabanggit sa komento ng kanyang post ang kaibigan nitong si Andrea Brillantes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Criza Taa ng kanyang saloobin kasunod ng paglabas ng balitang kumpirmadong hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Aniya ay parang kinukurot yung puso niya.

Criza Taa, ikinalungkot ang paghihiwalay ng KathNiel: "Parang kinukurot yung puso ko now"
Criza Taa, ikinalungkot ang paghihiwalay ng KathNiel: "Parang kinukurot yung puso ko now"
Source: Instagram
Parang kinukurot yung puso ko now..

Isa lamang siya sa maraming mga personalidad na aminadong naapektuhan sa paghihiwalay ng KathNiel at naghayag ng kanilang saloobin kasunod ng kumpirmasyon ng paghihiwalay ng maituturing na pinakamalakas na loveteam ng ABS-CBN.

Read also

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hindi maiwasang mabanggit sa komento ng kanyang post ang kaibigan nitong si Andrea Brillantes. Nadadawit ang pangalan ni Andrea sa hiwalayang ito. Gayunpaman, walang nilalabas na pahayag si Andrea kaugnay dito.

Kabilang si Criza sa malalapit na kaibigan ni Andrea. ABCD ang tawag nila sa kanilang apat na magkakaibigan na kinabibilangan nina Andrea, Bea, Criza at Danica.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel