Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"

Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"

- Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin kaugnay sa kumpirmadong hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Ito ay patungkol sa ina ni Daniel na si Karla Estrada na umano'y nagsabing walang katotohanan ang naibalita ni Cristy kaugnay sa naturang hiwalayan

- Hindi man daw direktang nasabi kung ano ang walang katotohanan umano sa kanyang naibalita subalit, naakusahan agad umano sila ni Karla na sinungaling

- Tila isinalba raw mismo sila ng Kathniel na siyang nagkumpirma ng kanilang paghihiwalay matapos ang 11 taon na relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin patungkol sa pumutok na balita sa pagtatapos ng Nobyembre, at ito ay ang pagkumpirma mismo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang hiwalayan.

Cristy Fermin kay Karla Estrada sa hiwalayan ng Kathniel: "Sino ngayon ang sinungaling?"
Karla Estrada (@karlaestrada1121)
Source: Instagram

Matatandaang nanindigan kamakailan si Cristy na totoo ang napapabalitang hiwalayan ng dalawa bago pa man ang kumpirmasyon mismo ng Kathniel.

Read also

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

Aniya, ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang nagkumpirma nito sa isang kaibigan. Agad naman itong pinabulaanan ni Karla. Bagama't di naging malinaw kung ano ang walang katotohanan sa umano'y naging pahayag ni Cristy ayon kay Karla, malaking bagay umano na mismong ang Kathniel na ang umaming tapos na ang kanilang relasyon.

"'Nung sabihin niya na tayo ay sinungaling, hindi man direkta, sino ngayon ang sinungaling?" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero yung palabasin mo na sinungaling ang mga taong nakakaalam ng katotohanan, dapat ay hindi mo ginawa," dagdag pa niya.

"Trabaho po namin ito. Dapat ay malaman niyo 'yung thin line. 'Yung linya na naghihiwalay sa kasinungalingan at pagbabalita ng katotohanan. Dapat ay alam niyo 'yun," giit pa ni Cristy.

Pinaalalahanan din niya ang iba pang mga nagsabing kasinungalingan umano ang ibinabalita nila ni Ogie Diaz na nabansagan pa 'di umanong fake news peddler dahil dito.

Read also

Cristy sa hiwalayan ng Kathniel: "September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak"

"'Wag kayong nagagalit. Katulad po ngayon, sinong napahiya? Kami po ba? Hindi ba at si Karla Estrada at ang mga tao na nagpipilit na si Kathryn at si Daniel ay hindi maaaring buwagin. Eto na, nagsalita na silang dalawa. Ano pang masasabi natin. bow na lang tayo"

Narito ang kabuuan na kanyang naging pahayag mula sa YouTube Channel na Showbiz Now Na!:

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"

At sa pagtatapos nga ng buwan ng Nobyembre ngayong taon, mismong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan. Marami ang nalungkot sa balitang ito. Maging si Boy Abunda ay aminadong isang Kathniel fan na naiyak bilang fan at bilang isang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel