Cristy sa hiwalayan ng Kathniel: "September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak"

Cristy sa hiwalayan ng Kathniel: "September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak"

- Nakarating umano kay Cristy Fermin ang umano'y ilang detalye ng hiwalayan ng Kathniel

- Tulad ng napapabalitang matagal na umanong nagkakalabuan ang dalawa, Setyembre pa raw ay umiiyak na bumabalik si Daniel kay Kathryn

- Subalit ito umanong si Kathryn ay tila nagmatigas na at 'di na muling tinanggap pa si Daniel

- Sa pagtatapos ng buwan ng Nobyembre, magkasunod na naglabas ng pahayag sina Daniel at Kathryn bilang pagkumpirma ng kanila umanong hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa umanong source ni Cristy Fermin ang nakapagsabing sinuyo pa umano ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.

Cristy may nabalitaan sa Kathniel: "September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak"
Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Matatandaang sa mismong kumpirmasyon ni Kathryn ng kanilang hiwalayan ni Daniel, nabanggit niya ang umano'y pagkakalabuan nilang dalawa na kahit anong subok nilang ayusin pa ito, hindi na nila mapagkailang hindi na umano nila maibabalik pa ang dati.

Read also

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

Tila tugma naman ito sa nabalitaan ni Cristy na umano'y umiiyak na nagsumamo pa noon si Daniel upang makipag-ayos kay Kathryn.

"Meron akong source na nagkwento sa akin, kung paano at bakit nagsabi na si Kathryn sa kanyang mga magulang tungkol sa kanila ni Daniel. September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak. Bumabalik kay Kathryn pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo. Dahil, ang dami-dami nang nakakarating sa kanyang mga kwento na ang iba ay dinismiss niya sa kanyang isip at puso. Pero yung iba, pinahalagahan niya," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ngayon, hindi naman alam ng magulang ni Kathryn ang nangyayari. Hindi nagsasabi si Kathryn. Napansin nalang daw ni tita Min at ng father niya na hindi halos makakain. Laging malungkot tapos nakita ng mommy na umiiyak. Naka-relate yung ina, may problema," pagpapatuloy pa niya.

Read also

Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"

"Doon na bumigay si Kathryn, first time na nagsabi sa kanyang ina na ganun naman talaga e kapag meron tayong karelasyon Pilit nating pinagaganda ang imahe. Best foot forward ika nga."

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel