Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

- Naaawa umano si Cristy Fermin kay Andrea Brillantes na umano'y nadadawit sa hiwalayan ng Kathniel

- Aniya, si Blythe umano ang nangunguna sa mga espekulasyon patungkol sa paghihiwalay nina Daniel at Kathryn

- Gayunpaman ang mga ito ay "raw" at "daw" pa lamang dahil wala pang inilalabas na pahayag si Blythe ukol sa isyung ito

- Nobyembre 30 nang gumulantang sa publiko ang pagkumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ukol sa kanilang hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong nakakaramdam umano ng awa si Cristy Fermin sa 'Senior High' actress na si Andrea Brillantes.

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Facebook

Matatandaang si Andrea ang matunog na umano'y dahilan ng paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"At ang unang-una na talagang ika nga e hindi lang bintang e. Ang daming nakararating kay Kathryn tungkol kay Andrea Brillantes"

Read also

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

"'Yung paglipat kasi ng condo ni Daniel, matagal na yun. Pero ang kwento nga doon daw nagpupunta si Blythe. Parang ganun ang nangyari nun," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Paanong nasa Europe si Daniel at gumagawa ng commercial ng isang inumin na nakakahilo at nakakalasing, bakit andun din si Blythe sa Spain?" dagdag pa niya.

Dahil umano sa mga kabi-kabilang tsismis na ito, kung ano-ano na umano ang bansag ng publiko kay Andrea bagay na ikinaawa ni Cristy kay Blythe.

"Nakakaawa siya. Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes. Ismael. Meron pa ngang ipinaglihi sa laing Bicol kaya Makati... nakatira sa Makati. At kapag daw po siya ay dinapuan ng higad, sasabihin daw ng higad... haay! mkalundag na nga, mas makati pala 'to sa akin"

Gayunpaman, paalala rin ni Cristy na wala pa rin kumpirmasyon mula mismo kay Andrea patungkol sa bagay na ito.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

"'Yan po ay puro raw at daw pa lang. Hindi pa rin po naman kasi nagsasalita," aniya.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"

Matatandaang ipinagtanggol pa 'di umano ni Cristy Fermin si Andrea Brillantes na umano'y naiuugnay sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel