Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"

- Nag-post si Sarah Lahbati ng video sa kanyang TikTok account

- Sa naturang video ay naglalagay siya ng pulang lipstick at nakasuot ng pulang damit

- Marami sa komento sa kanyang video ang nagbiro tungkol sa pagiging waldasera

- Marami ang natawa nang i-like niya ang isang komento na nagsasabing ipaglaban daw niya ang bandera ng mga waldasera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinusuan ni Sarah Lahbati ang isang komento sa kanyang TikTok post. Ni-like niya ang isang komento na nagsasabing ipaglaban daw niya ang bandera ng mga waldasera.

Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"
Sarah Lahbati, pinusuan ang komentong “Ipaglaban mo ang bandera nating mga waldasera"
Source: Instagram

Matatandaang sa kanyang mge komento ay palaging nababanggit ang naturang salita. Ito ay nagmula sa naging pahayag ni Annabelle Rama na ang anak daw niya ay nagta-trabaho samantalang yung isa ay walang ginawa kundi magwaldas ng pera.

Wala namang binanggit na pangalan si Annabelle ngunit hindi ito nakaligtas sa mga netizen at agad na iniugnay kay Sarah lalo at mainit na usapin ang tungkol sa umano'y hiwalayan nilang mag-asawa. Sa kasalukuyan ay wala pa ring pagkumpirma o pag-deny sa isyu. kaugnay sa napapabalitang hiwalayang Richard at Sarah.

Read also

Sharon Cuneta, ibinida ang closeness ng dalawang anak: "Best friends forever"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sarah Lahbati ay isang Filipino-Moroccan actress na sumikat matapos tanghaling StarStruck V's Ultimate Female Survivor ng 5th season ng "StarStruck", isang talent show sa GMA-7.

Ikinasal siya kay Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez na isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire - Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel