Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

- Nanatiling tahimik si Sarah Lahbati kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez

- Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe

- Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire

- Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Sarah Lahbati ang aniya'y kanyang bagong passion sa kasalukuyan. Bukod sa paglalaro ng tennis, kinahihiligan din daw niya ang sasakyan.

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan
Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan
Source: Instagram

Sa post niya, perfect match umano ang "grace of tennis at ang sophistication ng kanyang bagong sasakyan.

a perfect match: the grace of tennis and the sophistication of the @mazdaphilippines CX-5. embracing every moment of this new passion

Read also

Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"

Nanatili naman siyang tahimik sa isyung hiwalay na sila ni Richard Gutierrez pero kapansin-pansin na wala na siyang masyadong post na kasama ang asawa. Tanging ang kanilang mga anak ang naibabahagi niya sa kanyang mga post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Matatandaang marami ang napa-"wow" sa sorpresa ni Richard sa misis nitong si Sarah Lahbati. Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Sarah ang mister sa binigay nitong sasakyan na green. Ani Sarah, hindi lamang best dada sa kanilang mga anak si Richard kundi pinaparamdam umano nito kay Sarah na siya ang reyna niya kahit sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan. Pinasalamatan din ni Sarah ang asawa sa unconditional love nito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Naibahagi ni Sarah ang isang mini-house tour sa kanyang Instagram account kung saan pinakita niya ang kanilang living room. Ito umano ang isa sa pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay dahil marami silang ginagawang magkasama sa kanilang living room. Makikita dito ang husay sa photography ng kanyang mister na si Richard dahil naka-display at naka-frame ang ilan sa kanyang mga kuha. Marami naman ang humanga sa husay ng aktres na magsalita at may potensiyal umano itong maging magaling na host.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel