Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"

Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"

- Hindi diretsahang sinabi ni Annabelle Rama kung totoo bang hiwalay na sina Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati

- Gayunpaman, naging makahulugan ang kanyang mga binitawang salita sa panayam sa kanya ni MJ Felipe

- Aniya, nagulat na lang si Richard nang umuwi siya sa Maynila galing sa kanyang taping nang biglang may problema na

- Wala din siyang binanggit na pangalan pero aniya ay todo-trabaho ang anak niya habang ang isa ay nagwawaldas ng pera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Annabelle Rama ang ilang katanungan kaugnay sa anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati. Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe, hindi nito diretsahang inamin kung hiwalay na ba ang dalawa.

Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"
Annabelle Rama: "Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera"
Source: Instagram

Aniya ay hindi pa siya pwedeng magsalita sa ngayon pero aniya ay nasa kanya si Richard.

Read also

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

“Hindi pa ko pwede magsalita eh pero sasabihin ko sa ‘yo, si Richard na sa akin ngayon,”

Nang tanungin naman kung totoong magastos daw ba si Sarah, walang binaggit na pangalan si Annabelle.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Nakikita mo naman ‘diba?… Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Jessy Mendiola sa tanong kung ready na siya sa baby no. 2: "Kung ibigay ni Lord, 'di go"

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel