Jessy Mendiola sa tanong kung ready na siya sa baby no. 2: "Kung ibigay ni Lord, 'di go"

Jessy Mendiola sa tanong kung ready na siya sa baby no. 2: "Kung ibigay ni Lord, 'di go"

- Nakasama ni Luis Manzano ang kanyang mag-inang sina Jessy Mendiola at Rosie sa kanyang bagong Luis Listens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Dito ay napag-usapan nila ang kanilang buhay bilang pamilya at pagiging magulang sa anak nila

- Kabilang sa naitanong ni Luis kay Jessy kung handa na raw ba siya para sa baby no. 2

- Ani Jessy, kung ibibigay ng Panginoon sa kanya na magkaroon ng pangalawang anak ay bukas naman at handa siya

Guest ni Luis Manzano sa Luis Listens ang kanyang mag-inang sina Jessy Mendiola at Rosie. Dito ay natanong ni Luis kung handa na ba si Jessy na magkaroon ng baby no. 2.

Jessy Mendiola sa tanong kung ready na siya sa Baby No. 2: "Kung ibigay ni Lord, 'di go"
Jessy Mendiola sa tanong kung ready na siya sa Baby No. 2: "Kung ibigay ni Lord, 'di go"
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card

Ani Jessy, handa naman siya kung sakaling ibigay ng Panginoon sa kanila ang magkaroon ng pangalawang anak.

Masayang-masaya din daw si Jessy sa kanyang pagiging ina at perfect para sa kanya ang oras na kasama niya ang anak.

Si Luis naman daw bilang asawa ayon kay Jessy ay hindi nagbago pagdating sa pagiging mapasensiya nito. Wala din daw masabi si Jessy sa pagiging daddy ni Luis dahil kahit busy ito sa trabaho ay binibigyan niya ng oras ang anak.

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel