Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card

Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card

- Binahagi ni Rica Peralejo ang kanyang karanasan tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang card

- Nag-reply daw siya ng "UB NO" nang tanungin siya kung siya yung gumagawa ng transaction

- Sa kabila nito ay na-charge pa rin daw siya at mayroon daw siyang ebidensiya kaya naman nagtanong siya kung makakapagkaso daw ba siya sa bangko

- Naglabas din siya ng kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pinagdadaanan upang mabawi ang perang nawala sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Rica Peralejo sa nanakawan ng pera sa kanyang card matapos umano itong ma-hack. Humingi siya ng payo kung pwede daw ba niyang ireklamo ang bangko dahil sa kabila ng kanyang pag-reply daw ng 'NO' kung siya ang gumagawa ng transaction.

Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card
Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card
Source: Instagram

Sa kabila daw nito ay na-charge pa rin siya ng naturang bangko.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

My card was hacked and I replied with a UB NO when it was asking if I was making the transaction. Bank is still charging me saying I made the transaction. Can I go after them legally? I have evidence.
Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card
Rica Peralejo, naglabas ng saloobin matapos umano'y ma-hack ang kanyang card
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang saya sa pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong ipa-renovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pina-renovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel